Published by National Housing Authority(NHA) on Sept. 16, 2021.
Requested from NHA by A. Carandang at 02:43 PM on
Sept. 16, 2021.
Purpose: Inquiry how to avail pabahay for ofw in cresiente uno -santolan pasig
Date of Coverage: 09/07/2021 - 09/16/2021
Tracking no: #NHA-879285376766
P.TAGAMA
Sept. 16, 2021, 2:43 p.m.
Hello. Good day. I'm Paul Vincent Tagama ofw from Saudi Arabia and member of owwa. Gusto ko po mag avail ng murang pabahay para sa ofw sa cresiente uno santolan pasig. Paano po mag avail and ano ano po ang requirements na kailangan.
Thanks and Best regards,
Paul Vincent Tagama
Email ad:. [email protected]
M.MANINIT
Sept. 16, 2021, 5:15 p.m.
September 16, 2021
Dear Mr. Paul Vincent Tagama:
Magandang Araw!
Nagagalak ang aming tanggapan na kayo ay interesado sa OFW Housing Program. Bilang tugon sa adhikain ng Administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng sariling pabahay sa mga Pilipinong walang tirahan, lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang National Housing Authority (NHA) at ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyado (DOLE) upang matulungan ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pamamagitan ng pabahay sa mga proyekto ng NHA na may disenyo tulad ng sumusunod:
* Type A (Two-Storey Duplex)
80 sqm Lot Area / 60 sqm Floor Area na may selling price na Php1.6M to Php2.1M at humigit-kumulang na buwanang bayarin na Php 10,000-Php12,000
* Type B (Single Storey Duplex)
100 sqm Lot Area / 50 sqm Floor Area na may humigit-kumulang na buwanang bayarin na Php5,000-Php8,000
* Tye C (Rowhouse)
40 sqm Lot Area / 26 sqm Floor Area na may humigit-kumulang na buwanang bayarin na Php 500-1,000
* Type D (Condominium Type)
36 sqm - 42 sqm/unit na may selling price na Php 2.2M to 3.0M at humigit-kumulang na buwanang bayarin na Php14,000-16,000
Sa kasalukuyan, Type A, Type B at Type D na disenyo pa lamang ang matatagpuan sa completed, ongoing at upcoming projects ng NHA. Ang Type C ay kasalukuyang pinag-aaralan kung saan ang mga magiging lokasyon ng pagtatayuan.
Ang mapipiling House and Lot Unit ay maaaring bayaran sa loob ng 30 taon depende sa edad. Wala ding babayarang Downpayment.
Nakalakip po dito ang listahan ng mga proyekto na maaari niyo nang pagpilian at Checklist of Documentary Requirements.
Siguraduhin na mayroon kayong Overseas Employment Certificate (OEC).
Magkakaroon din ang NHA ng Online Portal/Website kung saan maari niyong i-upload ang inyong application form at requirements. I-like o i-follow ang Official Facebook Page ng National Housing Authority para sa mga updates at dagdag impormasyon tungkol dito (NHA - Tahanan ng Bagong Bayani).
Maari po kayong makipag ugnayan sa amng National Program Coordinator Unit - AFP/PNP and GEHP sa mga susumunod na contact information:
* Name: Leanne Villanuea
* Email Addres: [email protected]
* Office Landline: 8-8907800 local 381
Maraming Salamat po.
Very truly yours,
MARICRIS G. MANINIT
Head, FOI Compliance and Monitoring Unit