You have submitted an FOI request
Date: May 26, 2022, 12:55 p.m.
Your request is already in review
Your request was denied
Date: 2022-05-27 12:54:27.000000
How was your request?
Published by Philippine Deposit Insurance Corporation(PDIC) on May 26, 2022.
Requested from PDIC by A. Regino at 12:55 PM on
May 26, 2022.
Purpose: Verification of land ownership
Date of Coverage: 05/26/2022 - 05/26/2022
Tracking no: #PDIC-875219147151
I have a client po may gusto bilin property naka mortgage po dati pero now its under pdic na po kaya po gusto po sana malaman kung paano po gagawin para maibenta po natin sa buyer kopo. Thanks
May 27, 2022 Mahal na Mr. Denis Reno Cabrera, Maraming salamat po sa inyong request na may petsang May 26, 2022 12:55:25 PM sa ilalim ng Executive Order No. 2 (s. 2016) patungkol sa Freedom of Information sa mga Executive Branch. Ang inyo pong request Information patungkol sa isang property na nakamortgage at ayon sa inyo ay nasa pangangalaga ng PDIC Ang amin pong tugon Una, nais po naming ipaalam na ang inyong request ay sakop ng mga regular na serbisyong ibinibigay ng PDIC at hindi ng aming FOI manual. Pangalawa, kailangan po namin ng additional information upang kayo ay aming mabigyan ng wastong kasagutan tulad ng: pangalan ng nagsarang bangko, pangalan ng borrower, title number at ang registered owner nito. Higit rin pong makakatulong sa aming verification kung kami ay mabibigyan ninyo ng kopya ng titulo. Dahil po sa aming mga naunang nabanggit, ipinapayo po namin na ang mga information/document na aming kailangan ay inyong ipadala sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected] or private message sa aming official Facebook account (OfficialPDIC). Maraming salamat po. Sumasainyo, JOAN S. DE LEON Receiving Officer, PDIC
Maraming salamat po maaari po bang puntahan namin kayo sa inyong office para po ma discuss po ito personally at mapakita namin ang documents? Saan po ba ang office ninyo at ano pong mga araw at schedule best time po upang kayo ay makapanayam? Salamat po.