You have submitted an FOI request
Date: Jan. 5, 2024, 10:21 a.m.
Your request is already in review
Your request was denied
Date: 2024-01-05 17:49:37.000000
How was your request?
Date: 2024-02-08 15:16:19.130782
Published by Presidential Management Staff(PMS) on Jan. 5, 2024.
Requested from PMS by H. Umpar at 10:21 AM on
Jan. 5, 2024.
Purpose: NON MEDICAL ASSISTANCE
Date of Coverage: 12/05/2023 - 01/05/2024
Tracking no: #PMS-850905668376
Dear Sir/Ma'am, Magandang araw po sa inyo! saan po kaya ako pwede lumapit o humingi ng tulong para sa Internship Program ko. Pwede niyo po ba ako matulungan para lang po sa pang gastos ko ng mga Requirements ko para sa aking Internship Program ko, di po namin alam kung saan kami kukuha ng pang gastos para sa Internship Program ko next semester. Hindi sapat ang kinikita ng aking mga magulang sa pang araw-araw namin, Requirements para sa Internship gaya ng pang Medical, Stool, Urinalysis, Physical CBC, Xray, Drug test, Psychologist Report, last ko na po ito sa aking College degree ko.
Enero 05, 2024 G. Umpar: Ang inyong kahilingan patungkol sa financial assistance ay aming natanggap noong ika-05 ng Enero 2024. Layunin ng aming tanggapan na makapagbigay ng impormasyon at detalye hangga’t maaari. Gayunpaman, sa pagkakataong ito, ang inyong hinihinging tulong pinansiyal para sa iyong internship ay hindi saklaw ng Freedom of Information (FOI) sa ilalim ng Executive Order No. 2 (s. 2016). Sa halip, maaari ninyong ipadala ang inyong kahilingan sa [email protected] para sa pagproseso at pag-endorso sa kinauukulang tanggapan. Kung kayo ay hindi nasiyahan sa aming pagtugon, maaari kayong humiling ng pagsusuri ukol dito sa pamamagitan ng pagsulat sa Presidential Management Staff sa [email protected]. Mangyari lang po na isaad ninyo sa inyong kahilingan para sa pagsusuri, na kinakailangang maipadala sa aming Tanggapan sa loob ng 15 araw mula sa inyong pagtanggap ng sulat na ito, ang kadahilanan ng inyong kawalang-kasiyahan sa aming naging tugon. Aming tatapusin ang pagsusuri sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap ng aming Tanggapan ng inyong sulat at ang resulta ng nasabing pagsusuri ay ipararating sa inyo sa pamamagitan ng FOI portal. Kung kayo ay hindi masiyahan sa resulta ng pagsusuri, maari kayong sumulat sa Office of the President ng naaayon sa Administrative Order no. 22, s. 2011. Maraming salamat. Lubos na gumagalang, Aleja M. Barcelon FOI Receiving Officer