Published by Department of Labor and Employment(DOLE) on Nov. 15, 2023.
Requested from DOLE by V. San Pedro at 08:58 PM on
Nov. 15, 2023.
Purpose: Enjoin what is right, forbid what is wrong.
Date of Coverage: 09/07/2023 - 11/15/2023
Tracking no: #DOLE-352528330021
D.DOMINGO
Nov. 15, 2023, 8:58 p.m.
Good day po, kami ay Encoder (pang umaga) pero baka floating status po kami at gusto po kami ilipat ng company sa Agent (pang gabi), pero hindi naman po namin kaya magtrabaho bilang Agent at hindi rin makakayanan na makapag trabaho ng gabi. Nag bigay po ng letter ang company na kapag nirefuse namin ang offer nila na ilipat kami, ma aAWOL daw po kami.
2. Mawawala po ba yung seniority rights namin bilang employee kapag nirefuse namin ang offer ng company?
3. Hindi po bat dapat, kung gugustohin namin bumalik sa company dapat ilagay kami sa dating position gaya ng sinasabi sa P.D. 442 ART. 286.?
J.PUGATE
Nov. 16, 2023, 1:08 p.m.
November 16, 2023
Dear DANBERT,
Thank you for your request dated Nov 15, 2023 under Executive Order No. 2 (s. 2016) on Freedom of Information in the Executive Branch, for Employer and Employee case Labor Law.
We received your request on Nov 15, 2023 and will respond on or before Dec 06, 2023 08:58:48 PM, in accordance with the Executive Order's implementing rules and regulations.
Should you have any questions regarding your request, kindly contact me using the reply function on the eFOI portal at https://foi.gov.ph/requests/aglzfmVmb2ktcGhyHgsSB0NvbnRlbnQiEURPTEUtMzUyNTI4MzMwMDIxDA, for request with ticket number #DOLE-352528330021.
Thank you.
Respectfully,
Josefina Pugate
FOI Officer
D.DOMINGO
Nov. 16, 2023, 9:15 p.m.
Dagdag ko lang po pala, ito po naipaabot ko na sa E-sena nag meeting po kami noong Nov 8,2023. Tulad nga po ng sinabi ko kami po ay nasa floating status at gusto po kaming ilipat sa Agent (pang gabi) which is hindi po namin kayang magperform ng duties namin. Ang possible pa pong mangyari e, if mag 5 months na po kami sa floating status bigla po kaming ibabalik sa position namin ng ilang araw lang O linggo tapos balik na naman sa Floating status, pano po ba ang rulings doon? Mag kocontinue po ba yung 5 months namin O another counting na naman ng 6 months? Yan po ang sinabi ko sa meeting namin with E-sena. Ang payo po sa amin ay mag Korte daw po kami, parang hindi naman po iyon makatarungan dahil gugugol pa kami ng Pera para sa abogado, kulang pa yung mga benepisyo na makukuha namin pang bayad sa abogado, Hindi po bat obligasyon ng E-sena na pag ayusin ang empyat employer? Negligence of duty po iyon kung Sabihin samin ng E-sena na dalhin na lang namin sa Korte yung kaso namin.
D.DOMINGO
Nov. 18, 2023, 8:31 a.m.
Kami po ay Encoder day shift po kami sa isang call center company, gusto po kaming itransfer sa ibang position dahil po wala ng trabaho ang encoder pero itatransfer po kami sa pagiging Agent live call sa night shift, nasabi na po namin sa kanila na hindi namin kayang I perform ang duties ng pagiging Agent. Pag po ba kami ay nadismiss dahil sa Awol dahil pinipilit nga po nila kaming pumasok kahit ilang beses na naming sinabi sa kanila na hindi namin kaya ang trabaho. Pasok po ba ito sa tinatawag na constructive dismissal?
R.AQUINO
Nov. 20, 2023, 3:56 p.m.
November 20, 2023
Dear DANBERT DOMINGO,
Magandang araw po.
Ito po ay tugon sa inyong inquiry na ipinarating sa DOLE noong November 15, 2023 tungkol sa pagpapalipat sa inyo sa pang-gabing duty.
Kasama po sa prerogative ng employer ang schedule, lugar, ways , at means ng pagtatrabaho. Ang employer ninyo po ay may karapatan sa schedule, ways, at means kung papano ninyo gagawin ang inyong trabaho. Hindi po pwede itong panghimasukan ng DOLE hanggat hindi po ito illegal. At hindi rin po ito pwedeng tanggihan ng empleyado hanggat hindi ito illegal dahil kasama po ito sa liberties ng mga employers.
Sa tanong ninyong, "mawawala po ba ang seniority rights naming bilang employee kapag nirefuse namin ang offer ng company?" -kapag inyong tinanggihan ang prerogative ng inyong employer sa inyong schedule of work, pwede po nila kayong kasuhan ng insubordination. Hindi po relevant ang seniority rights at ang Article 286 na ngayong Article 301 na sa inyong tanong. Ang Article 286 (301) at tumatalakay sa temporary lay-off at retrenchment. Base sa inyong salaysay ay mukhang hindi naman po dumadaan sa retrenchment at mass lay-off ang inyong kumpanya.
Nawa po at kayo'y naliwanagan.
Salamat po.
Help us to continuously improve our FOI Program Implementation by accomplishing the DOLE-FOI Request Feedback Form through this link: bit.ly/DOLE-FOIFeedbackForm.
Lubos na gumagalang,
JOSEPH P. GACOSTA
FOI Decision Maker
Is this request offensive?
Requests for personal information and vexatious requests are not considered valid requests for Official Information.
If you believe this request is not suitable, you can report it for attention by the site administrators.