Published by Anti-Money Laundering Council(AMLCS) on May 17, 2022.
Requested from AMLC by E. Nuñez at 09:56 AM on
May 17, 2022.
Purpose: Evedence
Date of Coverage: 03/11/2022 - 05/01/2022
Tracking no: #AMLCS-728145989328
R.REGUCERA
May 17, 2022, 9:56 a.m.
Humihingi po ako Ng tulong na Makita ang taong nagngangalang Rodolfo panganiban santos jr na Meron union bank account na 1093 2138 5987 / 1093 5573 9213 / 1094 8588 7077 na ginamit nya upang ma scam kami. Kailangan nmin Ng mukha, address Kung saan nya winidraw ang Pera.
F.OFFICER
June 2, 2022, 3:36 p.m.
June 2, 2022
Dear Ms. Regucera,
Thank you for your request dated May 17, 2022 under Executive Order No. 2 (s. 2016) on Freedom of Information in the Executive Branch, for CCTV footage Ng scammer.
We received your request on May 17, 2022 and will respond on or before Jun 07, 2022 09:56:04 AM, in accordance with the Executive Order's implementing rules and regulations.
Should you have any questions regarding your request, kindly contact me using the reply function on the eFOI portal at https://foi.gov.ph/requests/aglzfmVmb2ktcGhyHwsSB0NvbnRlbnQiEkFNTENTLTcyODE0NTk4OTMyOAw, for request with ticket number #AMLCS-728145989328.
Thank you.
Respectfully,
FOI Receiving Officer
A.DECISION MAKER
June 2, 2022, 3:46 p.m.
June 2, 2022
Bb. Regucera,
Salamat sa ipinadala mong mensahe noong May 17, 2022 09:56:04 AM sa ilalim ng Executive Order No. 2 (s. 2016) patungkol sa Freedom of Information.
Ang impormasyong inyong ibinigay ay nauugnay sa posibleng panggagantiyo o "investment scam" - na maaaring humantong sa Estafa/Swindling o kaya ay paglabag sa Republic Act No. 8799, na mas kilala bilang "Securities Regulation Code".
Ang AMLC, bilang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nag-iimbestiga at umuusig ng mga kaso ng "money laundering", alinsunod sa Republic Act No. 9160, o mas kilala bilang Anti-Money Laundring Act of 2001, as amended, ay walang mandato na mag-imbestiga ng mga paglabag ng Securities Regulations Code katulad ng "scam" na inyong tinutukoy.
Dagdag pa rito, ayon sa Republic Act No. 1405, o mas kilala bilang Bank Deposit Secrecy Law, pinagbabawalan ang lahat, maging indibidwal man, kawani ng pamahalaan o anumang tanggapan, na magsiyasat at magsiwalat ng mga detalye ng bank accounts, maliban na lamang sa mga sumusunod na pagkakataon: 1) kung may pahintulot ang nagdeposito na nakasaad sa kasulatan; 2) sa mga kaso ng impeachment; 3) kung may utos galing sa hukuman kung ang paglilitis ay patungkol sa panunuhol o pagpapabaya sa tungkulin ng publikong opisyal; at 4) sa mga kaso kung saan ang salaping idineposito o ipinuhunan ay syang paksa ng paglilitis. Ang inyong idinulog ay hindi kabilang sa mga nabanggit, kaya naman ang AMLC ay hindi maaaring mag-iimbestiga o magsisiwalat ng anumang impormasyon ukol sa mga bank accounts.
Kaugnay nito, aming iminumungkahi na kayo ay sumangguni sa pinakamalapit ng tanggapan ng alin man sa mga sumusunod na ahensiya: Securities and Exchange Commission (SEC), Philippine National Police (PNP), o National Bureau of Investigation (NBI), upang kayo ay makapaghain ng karampatang reklamo laban kay G. Rodolfo Panganiban Santos, Jr.
Umaasa kami na natugunan namin ang inyong katanungan.
Lubos na gumagalang,
FOI Decision Maker
Is this request offensive?
Requests for personal information and vexatious requests are not considered valid requests for Official Information.
If you believe this request is not suitable, you can report it for attention by the site administrators.