Mahal naming FOI user,
Ito ay may kaugnayan sa inyong FOI request na may petsang 19 February 2025 na humihingi ng payong legal.
Katulad ng aming sinabi, ang mandato ng aming opisina ay “i-representa ng walang bayad ang mga maralita at iba pang mga taong kwalipikado para sa serbisyong legal, sa lahat ng kasong sibil, kriminal, paggawa, administratibo at ng iba pang mala-hukuman na kaso (quasi-judicial cases), kung saan matapos ang masusing pag-aaral ay matutukoy na ang interes ng hustisya ay mapagsisilbihan.” [1]
Muli, kung kayo ay kuwalipikado para sa aming libreng serbisyong legal, maaari kayong magtungo sa aming Tanggapan na kadalasang matatagpuan sa Hall of Justice ng bawat siyudad o munisipalidad na malapit sa inyong tirahan. Dalhin ang mga dokumentong may kaugnayan sa inyong suliranin at alinmang katibayan para sa inyong Indigency Test na nabanggit sa aming nakaraang liham.
Maaari rin kayong tumawag sa aming Opisina sa mga sumusunod na numero: (02) 8929-9436, (02) 84262801, (02) 84262459, o (02) 84262987.
Lubos na gumagalang,
FOI Officer
Public Attorney's Office
[1] Article 1, Chapter II, 2021 Revised PAO Operations Manual